Bangsamoro Republic ‘di kikilalanin - Palasyo
MANILA, Philippines - Hindi kinikilala ng MaÂlacañang ang BangsaÂmoro Republic na sinasabing idineklara ni MNLF founder Nur Misuari.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, iisa lamang ang gobyerno ng Pilipinas at hindi nito kinikilala ang idineklarang independence na Bangsamoro Republic ni Misuari nitong July 29.
Wika ni Valte, hindi nila binabalewala si Misuari subalit sa pananaw ng Palasyo ay hindi nararapat ang ginawa ni MiÂsuari dahil labag ito sa Konstitusyon at lalong wala ito sa 1996 accord ng gobyerno at MNLF.
Ang isinusulong na peace talks sa pagitan ng gobyerno at MILF ay hindi lamang anya para sa MILF as an organization kundi para sa buong mamamayan ng MindaÂnao at para sa kapayapaan sa Southern Philippines na matagal nang inaasam hindi lamang ng mga Muslim kundi maging ng mga Kristiyano sa Mindanao.
Naunang sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na puwedeng makasuhan ng rebelyon si Misuari dahil sa pagdedeklara nito ng sariling indepence ng Mindanao mula sa Pilipinas.
- Latest