^

Bansa

Mayor Lani umalma sa Makati police

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinondena ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang umano’y maling pa­ng­hihimasok at pakikialam ng Makati police matapos na imbitahan ng mga empleyado ng city hall ang ilang opisyal ng Makati engineering office na nagsasagawa ng survey sa lugar na sakop ng Taguig.

“I am appalled by Makati’s show of force in Palar Village. We peacefully invited the Makati engineers for discussion, but the Makati police showed up and used an unnecessary amount of force to take them,” wika ni Mayor Lani.

Ayon sa Taguig Public Order and Safety Office (POSO), nagsagawa ng survey sa Taguig village ang ilang miyembro Makati engineering office ng wala umanong authority mula sa Taguig City government o barangay officials noong Huwebes. 

Inimbitahan ang mga ito sa Taguig City Hall upang pag-usapan ang ilang isyu at paliwanagan na wala silang  awtoridad na  mag-conduct ng land surveys sa lugar.

Sakay na umano ng Taguig City vehicles ang mga taga engineering nang dumating ang walong Makati police cars na kinabibilangan ng 30 pulis at miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) na fully armed at kinuha ang mga nagsasagawa ng survey.

Nagpakita din ng pagkilos ang isang pulis na tila akma umanong bubunutin ang kanyang service pistol na nakunan ng isang Taguig City employee.

Dagdag pa ni Caye­tano, ito ang kanilang  iniiwasang mangyari kaya umaapela siya kay Makati Mayor Junjun Binay na iwasang magbigay ng anumang pahayag o kilos na mas nagpapagulo at nagpapalala ng sitwasyon sa Fort Bonifacio.

Mas makabubuti aniya na hintayin na lamang ang desisyon sa usapin dahil nananatiling sakop ito ng Taguig City.

CITY

FORT BONIFACIO

MAKATI

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MAYOR LANI

PALAR VILLAGE

TAGUIG

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with