Anomalya sa ‘pork’ kumpirmado
MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng Commission on Audit (COA) ang malaking ireÂgularidad sa disbursement ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) mula 2007 hanggang 2009.
Kasama sa anomalya ang ‘di maipaliwanag na pagre-release ng P20 milyong pondo sa isang indibidwal na hindi naman konektado sa pamahalaan at hindi rin miyembro ng 13th at 14th Congress na kinilalang si “Luis Abalosâ€.
Sa isang press confeÂrence ni COA chief Grace Pulido Tan, sangkot din umano sa katiwalian ang may 82 non-government agencies na pinaglaanan ng P101.6 billion pork barrel mula sa 12 senador at 180 representatives.
Lumabas din sa auditing na 74 mambabatas ang tumanggap ng labis-labis sa itinakdang alokasyon sa kanila na P200 milyon bawat senador at P70 milyon kada congressman.
“When we say labis-labis, hindi lang ito isang milyon o limang milyon ang labis kung hindi hundreds of millions,†dagdag ni Tan.
Isang mambabatas din ang tumanggap ng halos 3 bilyon alokasyon mula sa PDAF.
Kabilang sa mga na-audit ng COA na may pinakamalaking naipalabas na budget ang Department of Agriculture, Public Works and Highways at Social Welfare and Development.
Gayundin ang apat na government owned at controlled corporations tulad ng Nabcor, NDLC, TLRC o TRC at ZREC.
Ayon pa kay Tan, karamihan sa mga lumutang na NGOs ay mayroong kaduda-dudang address na ilan ay natukoy sa isang barong-barong.
May mga proyekto din anyang overpriced, walang espesipikasyon, kontrata at walang mga business permit at SEC registration ang mga suppliers.
Giit pa ni Tan, ang paÂÂngaÂlan umano ni Janet Lim-Napoles ay hindi bago sa kontrobersya sa PDAF dahil lumutang na umano sa imbestigasyon ang paÂngalan nito sa P728 million fertilized fund scam.
- Latest