^

Bansa

Lumang resibo hanggang Okt. 31 na lang - BIR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magagamit pa hanggang sa October 31 ng taong ito ang mga lumang resibo na gamit ng mga negosyante.

Ito’y makaraang i-extend ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline para sa mga negosyante sa paggamit ng bagong resibo.

Sa bagong BIR Circular 52-2013, maari pang magamit ng mga business establishments ang kanilang mga lumang resibo hanggang Oktubre 31 mula sa dating August 30 deadline para mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga negosyante na makapag-imprenta ng bagong receipt form.

Sinabi ni BIR Chief Kim Jacinto-Henares, may mahigit 2,000 accredited printers ang BIR sa buong bansa na maaring punta­han ng mga negosyante.

Sa ipinalabas na BIR regulations, ang mga lumang resibo ay magagamit na lamang hanggang June 30 at pinalawig ito hanggang Agosto.

AGOSTO

BIR

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF KIM JACINTO-HENARES

MAGAGAMIT

OKTUBRE

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with