Taguig umapela sa CA decision sa Fort Bonifacio
MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng lunsod ng Taguig sa pamamagitan ng isang motion na isinampa sa Court of Appeals na pagbawalan nitong makalahok sa kaso ng Fort Bonifacio si Associate Justice Marlene Gonzales-Sison.
Si Sison ang ponente o nagsulat sa desisyon ng CA noong Hulyo 30 na pumapabor sa Makati bilang siyang may hurisdiksyon sa Fort Bonifacio.
Sa Urgent Motion to Inhibit ni Cayetano laban kay Gonzales-Sison, binanggit nito ang pagiÂging umano’y malapit ng asawa nito na si Manila 6th district councilor Cassey Sison kay Vice President Jejomar Binay.
Bagama’t hindi tuwiran, sinabi ni Cayetano na mas makabubuti kung bibitiwan ni Gonzales-Sison ang kaso upang mas maging malinis ang kanyang imahe at upang maiwasan ang pagkakaroon ng bias.
“Atty. Cassy Sison has been a known stalwart of the United Nationalist Alliance (UNA), which is a coalition of the Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) headed by former President and now Mayor of the City of Manila Joseph E. Estrada and Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) headed by Vice President Jejomar Binay,†nakasaad sa motion.
Ayon kay Cayetano, hindi pa final and exeÂcutory ang desisyon ng Court of Appeals kaya’t minabuti nilang magsampa ng inhibition laban kay Gonzales-Sison.
Hindi na umano dapat pang madaliin ang desisÂyon sa halip ay bigyan daan ang iba pang paraan upang mas maliwanagan ang isyu na may 20 taon ding tumagal ang usapin sa korte.
Paliwanag pa ni CaÂyetano, ang kita ng Fort Bonifacio ang tumutustos sa mga pangangailangan ng mga pampublikong paaralan at mga hospital.
Aniya, maraming reÂsidente ng Taguig ang mawawalan ng trabaho at benepisyo sakaling ipatupad ang desisyon ng CA habang triple ang pondo ng Makati kumpara sa pondo ng Taguig.
Hindi naman sinagot ni Cayetano kung magkano ang mawawala sa Taguig City.
- Latest