4 na patay kay ‘Labuyo’
MANILA, Philippines - Umabot na sa apat katao ang nasawi habang nasa P69.2 milyon ang iniwang pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa mga lalawigan na hinagupit ng bagyong Labuyo.
Kinilala ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario ang mga nasawing biktima na sina Joemar Salicong, nasawi sa mudslide sa Benguet at Reynaldo dela Cruz ng Nueva Vizcaya habang nasawi naman sa flashflood sa Cebu sina Alvin Sesante at Nelson Fuentes.
Isinailalim naman sa state of calamity ang mga bayan ng Dilasag, Dinalungan at Casiguran na pawang isolated sa lalawigan ng Aurora na matinding naapekÂtuhan ng bagyo.
Samantala nasa 31,287 pamilya ang sinalanta o kabuuang 153,893 katao sa may 261 barangay sa 59 munisipalidad, apat na lungsod at 15 lalawigan sa Regions I, II, III , V at Cordillera Autonomous Region.
Nasa 2,099 kabahayan ang nawasak habang 27 mga tulay ang naapektuhan at13 tulay ang hindi pa rin madaanan sa Regions II at III habang nasira naman ang communication line, napinsala ang mga supply ng kuryente at mga cellsites sa Dinalungan, Casiguran at Dilasag, Aurora.
- Latest