Deployment ban sa Iraq, sinisilip
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Philippine Overseas Employment AdmiÂnistration (POEA) na hindi sila mangingiming magpatupad muli ng deployment ban sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Iraq, kasunod na rin nang lumalala na namang tensiyon doon.
Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, hinihintay lamang nila ang abiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) para na rin maprotektahan ang mga OFW.
Ang pahayag ay ginawa ni Cacdac kasunod nang magkakasunod na car bombing sa Baghdad nitong weekend kung saan 57 katao ang namatay habang 150 ang sugatan.
Nauna rito, nitong Hulyo ay naglabas ng resolusyon ang POEA Governing Board na nagpapahintulot na makapag-deploy ng mga pabalik at bagong hire na OFW sa Iraq, maliban sa mga Household Service Workers (HSWs) matapos na ibaba ng DFA ang alerto sa level 1 mula sa level 3.
Gayunman, umiiral pa rin naman ang deployment ban sa mga “no-go†zones sa ilang lalawigan ng Iraq gaya ng Anbar Province, Ninewah/Nineveh Province, Kirkuk Province (a.k.a. Tamim; Al Tamim; At-Tamim), at Salahuddin/Salahaddin Province.
- Latest