22 Solons pinuri ang PCSO
MANILA, Philippines - Pinuri ng 22 kongresista sa pangunguna ni Rep. Isidro Ungab, ang tagapangulo ng House Committee on Appropriations, ang Tanggapan ng Swipstik ng Kawanggawa sa Pilipinas (PCSO) dahil sa mabubuti nitong mga nagawa bilang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na inatasang maglikom at maglaan ng pondo para sa mga programang pangkalusugan, tulong at serbisyong pangmedikal, mga pangkawanggawang may pambansang karakter at iba’t iba pang programang panlipunang kagalingan at kaunlaran.
“Saludo ako kay PCSO Chairman Margarita P. Juico dahil siya ay mas tiyak at estrikto sa kanyang mga alituntunin. At labis kaming nasiyahan sa pakikinig sa kanya,†ani Rep. Noel Villanueva ng Tarlac.
Tinalakay ni Atty. Jose Ferdinand M. Rojas II, ang pangkalahatang tagapamahala ng PCSO, sa harap ng mga mambabatas ang operasyon at estado ng panaÂnalapi ng ahensiya at ang mga pangunahing aktibidad nito sa 2012 at 2013, at mga plano at programa para sa 2014.
Kasama ni Chairman Juico si Atty. Rojas habang iniulat niya ang mga nagawa ng PCSO sa mga nakaraan at kasalukuyang taon, pananaw sa darating mga taon, at ang fiscal at macroeconomic assumptions na ginamit sa pagbuo ng talagugulin o budget.
Dagdag dito, ipinabatid ni PCSO Chairman Juico sa House Committee on Appropriations ang distribusyon ng PCSO ng revenue allocations, o mga pamamahaging pangkatibayan, mula sa benta ng swipstik, lotto at ibang laro sa nakalipas na tatlong taon (2010-2012) at estimates sa 2013 at 2014.
- Latest