^

Bansa

Velasco pinapa-inhibit sa kaso ng anak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umapila si Marinduque Rep. Gina Reyes kay Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco na mag-inhibit sa paghawak sa electoral protest ng anak nito na nasa House of Representatives Electoral Tribunal (HRET)

Si Justice Velasco ang tumatayong chairman ng HRET, at ama ng nakatunggali sa katatapos na May 13 elections ni Congresswoman Reyes sa congressional race sa Marinduque na si Lord Allan.

Ayon kay Congresswoman Gina Reyes, na­ngangamba sila na hindi maging patas si Justice Velasco sa paghawak sa kaso lalo na’t anak nito ang nasasangkot sa usapin.

Kasabay nito, sinabi ng mambabatas na umaasa na lamang sila sa 6 na magiging kinatawan ng Kamara sa HRET upang makakuha ng patas na pagtrato sa kaso.

Nag-ugat ang kaso matapos maghain ng disqualification case ang isang Joseph Socorro Tan laban kay Congresswoman Reyes dahil sa umano’y pagiging isang American citizen, na mariin naman nitong itinanggi.

Katunayan, hawak daw niya lahat ng ebidensiya na nagpapatunay na siya ay isang natural born citizen, na ang mga magulang niya ay parehong Pilipino at nirenunsiyo niya ang kanyang foreign citizenship nung Sept. 21, 2012.

Idinagdag pa ni Congresswoman Gina Reyes na nagtataka siya, kanyang abogado at mga taga suporta na bakit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng COMELEC at ng SC na ihain ang kanyang mga ebidensiya.

 

CONGRESSWOMAN GINA REYES

CONGRESSWOMAN REYES

GINA REYES

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

JOSEPH SOCORRO TAN

JUSTICE VELASCO

LORD ALLAN

MARINDUQUE REP

SI JUSTICE VELASCO

SUPREME COURT ASSOCIATE JUSTICE PRESBITERO VELASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with