‘Labuyo’ pinakamalakas na bagyo
MANILA, Philippines - Ang bagyong Labuyo ang itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas ngaÂyong taon dahil sa taglay nitong lakas ng hanging umaabot sa 165 km per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 200 kph.
Bunsod nito kaya nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mga mayroong public storm signal na doblehin ang pag-iingat habang patuloy ang pagÂlakas nito sa silangan ng Luzon at lumalapit sa Aurora Province ngayon.
Sa isang press confeÂrence, sinabi ni PAGASA officer-in-charge Vicente Malano, dahil sa taglay na lakas ng bagyong Labuyo nadagdagan na ang mga lugar na nasa public storm signal number 3, kabilang dito ang Aurora, Nueva Ecija, Mountain province, Polilio island, Quirino, Benguet, Ifugao, Nueva ecija, at isabela.
Habang Signal no. 2 naman sa Çatanduanes, Camarines Sur, Rizal, Northern Quezon, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, Abra, Apayao, Kalinga at Cagayan.
Nasa signal no. 1 ang Albay, Sorsogon, mga lugar sa Quezon, Laguna, Calayan, Babuyan group of island, Ilocos Norte, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Northern Samar at Metro Manila.
Sa inilabas na weather bulletin alas-5 ng hapon, huling namataan ang Typhoon Labuyo sa layong 130 kilometro (km) hilaga ng Virac, Catanduanes.
Patuloy na kumikilos si Labuyo pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 19kph.
Inaasahang tatama sa bisinidad ng Pasil Kalinga ang bagyo, Lunes ng umaga at Martes naman ay nasa 410 km ito ng hilagang kanluran ng Sinait, Ilocos Norte papalabas ng Philippine Area of ResÂponsibility (PAR).
Nilinaw naman ni Malano na hindi naman umano nagbabago ng bilis na 19kph si Labuyo habang nananatili sa karagatan, pero pinaalalahaÂnan nito ang mga mangingisda na huwag nang pumalaot para na rin sa kanilang kaligtasan.
Patungkol naman sa suspension ng klase, ayon pa kay Malano, depende umano sa sitwasyon kung ano ang kahihinatnan ng tatamang signal sa ating bansa o sa Metro Manila, subalit ang malinaw anya dito ay kung mananatili ang signal number 1 ay nangangahulugan lamang na walang pasok ang klase sa mga elementarya ngayon.
- Latest