Yaman ni Napoles bubusisiin ng BIR
MANILA, Philippines - Bubusisiin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang bagong pahayag ni Janet Lim-Napoles na mula sa mana at pinagtrabahuhan ang kayamanan ng kanilang pamilya.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, sa ilalim ng batas, kailangang maiulat ng mga tagapagmana sa loob ng 60 araw na namatay ang tao.
Sa loob naman ng anim na buwan anya, kailaÂngang maisumite ang estate tax return at pagbabayad ng kaukulang buwis para rito.
Sinabi ni Henares na oras na mabigong tupadin ito ng mga Napoles, may kaukulang multa at surcharges ito.
“Kung walang fraud, 25 percent ang surcharge. Pag may fraud, 50 percent, tapos interest of 20 percent per annum,†paliwanag ni Henares.
Ayon pa sa BIR chief, titingnan din nila kung nag-file ng estate tax return at nagbayad ng estate tax ang mga Napoles at kung kailan namatay ang nagpamana kay Napoles.
Una nang nagsagawa ang BIR ng pag-imbestiga sa tax record ng mga Napoles at ang mga kumpanyang isinasangkot sa umano’y scam.
- Latest