^

Bansa

MMDA enforcer timbog sa kotong

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang inaresto ng pulisya dahil sa reklamo ng pangongotong sa isang motorista sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Ang inaresto ay nakilalang si Warren DC Mabbayad, 32, residente ng Barangca Ibaba, Mandaluyong City.

Si Mabbayad ay dinakip ni SPO3 Elmer Rabano, hepe ng Station Internal Legal Officer ng PS7, matapos na humingi ng tulong ang motoristang si Anthony Santos, 34,  medical representative ng Rich Town Subdivision, Lalawigan Samal, Bataan, kaugnay sa pa­ngongotong sa kanya ng halagang P500.

Sa ulat, nangyari ang insidente sa may bisinidad ng  Edsa corner Aurora Blvd., Cubao, ganap na ala-1 ng hapon.

Bago ito, ayon sa salaysay ni Rabano, nagsa­sagawa siya ng inspection sa lahat ng personnel na idineploy sa crime prone area partikular sa naturang lugar nang hingan ng tulong ng biktima.

Inireklamo umano kay Rabano ng biktima na kinotongan siya ng isang MMDA personnel ng halagang P500 bilang bayad sa paghuli sa kanila dahil sa paglabag sa trapiko

Agad na sinamahan ni Rabano ang complainant sa lugar at positibong itinuro si Mabbayad dahilan para ito arestuhin at dalhin sa himpilan ng PS7 kasabay ng pagbawi sa halagang P500 na ibinayad ng mga biktima.

Ayon sa ulat, si Santos ay sakay ang isang pribadong sasakyan nang hulihin ng suspect sa na­turang lugar dahil sa isang paglabag sa batas trapiko.

Para hindi matiketan ay humingi na lamang umano ng P500 ang suspect na siyang ugat ng naturang reklamo.

ANTHONY SANTOS

AURORA BLVD

BARANGCA IBABA

ELMER RABANO

LALAWIGAN SAMAL

MABBAYAD

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

RABANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with