3-M pamilyang Pinoy walang maayos na bahay
MANILA, Philippines - Tinatayang mahigit sa tatlong milyong Pamilyang Pilipino ang walang maayos at ligtas na tirahan.
Sa privilege speech ni Akbayan Rep. Ibarra Gutierrez, sinabi nito na ganito kalaki ang bilang ng mga Pinoy na walang disenteng tirahan kung pagbabasehan ang 3.756 milyon na housing backlog ng housing agencies ng gobyerno.
Kung ang bawat isa umano sa pamilyang ito ay may limang miyembro na nangangahulugan na mahigit sa 18 milyon mga Pinoy ang walang maayos na tirahan.
Paliwanag pa ng mamÂbabatas, ang housing backlog ay nadaragÂdagan ng 195,000 kada taon habang patuloy ang paglaki ng populasyon ng mga Pinoy.
Ang sitwasyon ito umano ay mahabang panahon ng umiiral sa bansa sa kabila ng malaÂking pondo na inilalaan ng gobyerno sa housing sector.
- Latest