^

Bansa

Pinas humingi na ng ‘formal apology’ sa Taiwan

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang humingi ng opisyal na paumanhin ang Pilipinas sa pamilya ng isang mangingisdang Taiwa­nese na napatay ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard matapos ang paghahain ng kasong homicide laban sa mga responsable sa krimen.

Ayon sa report, nagtungo na kahapon si Phl special envoy Amadeo Perez bilang kinatawan ni Pangulong Aquino sa Taiwan at humingi ng “official apology” sa asawa ng 65-anyos na Taiwanese fisherman na si Hung Shih-cheng na nabaril at napatay ng mga kagawad ng PCG noong Mayo 9 sa Balintang Channel na sakop ng Pilipinas at inaangkin ding teritoryo ng Taiwan.

Bumiyahe si Perez patungong Hsiaoliuchiu town sa Taiwan upang makipagkita sa pamilya ni Hung at ihatid ang opisyal na ‘letter of apology’ ni Pangulong Aquino at ng sambayanang Pilipino.

Magugunita na nagbunsod ng matinding tensyon sa pagitan ng Pilipinas at Taiwan ang naganap na pamamaril ng mga kagawad ng PCG kay Hung na na­ging dahilan upang madamay ang mga OFWs nang iutos ng Taiwanese government na i-ban ang pagtanggap ng Pinoy workers sa kanilang bansa habang ilan ang dumanas ng pananakit ng mga Taiwanese, sinuspinde ang pakikipag-kalakalan sa Pilipinas, hiniling din na bayaran o bigyan ng kompensasyon ang pamilya ng nasawi at parusahan ang mga responsable sa pamamaril.

Una nang ibinasura ang paghingi ng apology ni Pangulong Aquino matapos na hindi kumbinsido ang Taiwan sa naging unang tugon at aksyon ng pamahalaan sa kanilang mga demand.

 

AMADEO PEREZ

AYON

BALINTANG CHANNEL

BUMIYAHE

HUNG SHIH

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE COAST GUARD

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with