^

Bansa

Feeding bottles sa Divisoria may lason

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtataglay umano ng nakalalasong kemikal na lead ang mga feeding bottles na ibinebenta sa ilang tindahan sa Divisoria.

Ito ang ibinunyag ng grupong EcoWaste Coalition kaalinsabay nang paggunita sa World Breastfeeding Week mula Agosto 1-7, 2013.

Natuklasan ng Eco­Waste na ilang mumurahing feeding bottles na nagkakahalaga ng P15 hanggang P25 bawat isa ang ginamitan ng lead sa paglalagay ng makukulay na disenyo, at nabibili umano sa ilang pamilihan sa Divisoria.

Tinukoy ng EcoWaste ang mga feeding bottles na may tatak na â€œMade in China” at “Baby Plastic Bottle & Nipple” na nagtataglay ng lead na mula 536 parts per million (ppm) hanggang 1,023 ppm, at may mga traces ng arsenic at chromium na mataas din ang antas.

Ang lead ay isang potent neurotoxin o toxicant na nakakaapekto sa developing brain at central nervous system.

Ang mga mapanganib na kemikal ay natukoy gamit ang isang handheld X-Ray Fluorescence (XRF) spectrometer na maaaring tumukoy sa dami ng toxic metals sa mga consumer products.

AGOSTO

BABY PLASTIC BOTTLE

DIVISORIA

NAGTATAGLAY

NATUKLASAN

TINUKOY

WORLD BREASTFEEDING WEEK

X-RAY FLUORESCENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with