15 komite ng Senado lulusawin
MANILA, Philippines - Para mas makatipid, nagdesisyon kahapon ang mga senador na bawasan ng 15 ang mga oversight committees kung saan mula sa 35 ay gagawin na lamang itong 20.
Ayon kay Sen. Ralph Recto, aabot sa P140 milyon ang matitipid ng Senado ngayong 2013 at ibabalik nila ang savings sa National Treasury.
Hindi pa nakakapag-desisyon ang mga senador kung anu-anong oversight committees ang tatanggalin.
Nasa P167,000 kada buwan o P20 milyon kada taon ang budget ng isang oversight committee.
Ayon naman kay Senate President Franklin Drilon, ang mga congressional oversight committees ay kalimitang nalilikha sa pamamagitan ng batas o resolusyon.
Nagkasundo ang mga senador na bawasan ang mga ito dahil sobrang dami na rin ng mga ito na pinopondohan ng gobyerno.
- Latest