^

Bansa

Vs Al-Qaeda terror attack: PNP magpapatupad ng ‘tiered defense system’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapatupad ng ‘3 tiered defense system’ ang Philippine National Police (PNP) sa gitna na rin ng report ng US Intelligence Service hinggil sa matin­ding banta ng terror attack ng Al-Qaeda terror network sa buong mundo.

Ayon sa PNP, palalakasin pa nila ang ‘intelligence, target hardening at incident management’ upang malabanan at mapigilan ang seryosong banta ng terror attack ng Al-Qaeda at ng mga teroristang kapanalig nito.

Una nang namonitor ng PNP at AFP ang presensya ng Jemaah Islamiyah (JI), ang Southeast Asian terror network na naitatag ng founder ng Al-Qaeda na si Osama bin Laden.

Tinukoy din ng PNP sa pagkakaaresto sa ilang lokal na terorista ng mga tauhan ng Intelligence Group at Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR) tulad ni Sali Basal Taib, alyas Abu Husni sa Quezon City noong Hulyo 25 ng taong ito ay patunay lamang ng aktibong operasyon ng mga awtoridad upang mapigil sa paghahasik ng terorismo ang mga tero­ristang grupo.

Samantala, bagama’t wala namang namomonitor na seryosong banta ng terorismo ang AFP sa Pilipinas, sinabi ng Spokesman nitong si Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., na nananatili silang nakaalerto upang masupil ang anumang karahasang maaring ihasik ng anumang terror group.

ABU HUSNI

AL-QAEDA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DOMINGO TUTAAN JR.

INTELLIGENCE GROUP

INTELLIGENCE SERVICE

JEMAAH ISLAMIYAH

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with