^

Bansa

Dimaporo, hindi bibigyan ng proteksyon ng Kamara - SB

Gemma Garcia at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi magbibigay ng proteksyon  ang liderato ng Kamara kay Lanao del Norte Cong. Abdullah Dimaporo sa gitna ng pagpapaaresto sa kanya ng Sandiganbayan.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte at House Majority leader Neptali Gonzales, hindi maaaring gamitin ni Dimaporo ang immunity nito bilang mambabatas dahil base sa konstitusyon, hindi lamang sila maaaring maaresto habang nakasesyon ang kongreso kapag ang parusa sa kinakaharap na kaso ay anim na taong kulong pababa.

Ang tangi umanong magagawa ni Dimaporo ay maghain ng motion for reconsideration at igiit sa mos­yon para makapag-piyansa.

Samantala, naisilbi na ng Sandiganbayan 5th Division ang warrant of arrest laban kay Rep. Dimaporo kaugnay ng kasong may kinalaman sa fertilizer fund scam noong 2004.

Ayon kay Atty. Ma.Teresa Pabulayan, clerk of court ng 5th division ng Sandiganbayan, ganap na alas-11:00 kahapon ng umaga nang maisilbi ang arrest warrant.

Nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng Sandiganbayan si Dimaporo na kasalukuyan pang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center dahil sa chest pains at acute myocradial infraction.

Naghain naman ng petisyon ang kampo ni Dimaporo para mapayagan ding makapagpiyansa sa kaso nitong malversation of public funds na may kaakibat na mosyon para isailalim siya sa hospital arrest.

Bunsod nito, pinagsusumite ng Sandiganbayan 5th division Chairman na si Justice Roland Jurado ng komento ang prosekusyon sa loob ng 10 araw para sagutin  ang mosyon ng  depensa.

ABDULLAH DIMAPORO

AYON

CARDINAL SANTOS MEDICAL CENTER

DIMAPORO

HOUSE MAJORITY

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

JUSTICE ROLAND JURADO

NEPTALI GONZALES

NORTE CONG

SANDIGANBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with