Mga bata magpa-eye exam - DOH
MANILA, Philippines - Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang lahat ng batang 12 taong gulang pataas na sumailalim sa eye exaÂmination upang makaiwas sa pagkabulag at iba pang problema sa paningin.
Sinabi ito ni Health Secretary Enrique Ona kasabay na rin nang paggunita sa ‘Sight Saving Month’ ngayong Agosto na may temang “Alagaan Ang Mata Mula Bata Hanggang Pagtandaâ€.
Sinabi ni Ona na mahalagang mapanatili ang maayos na paningin ng bawat mamamayan dahil ito’y pangunahing karapatan ng lahat nang walang diskriminasyon sa edad, kasarian, relihiyon, lahi at katayuan sa lipunan.
Sa report ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 2012, tinatayang 285 milyong katao sa buong mundo ang visually impaired, kabilang ang 39 milyon na bulag at 246 milyon na mahina ang paningin.
Sa lahat ng visual impairment, 80% ang maiiwasan sana o malulunasan, kabilang na ang avoidable at treatable conditions tulad ng cataract, error of refraction at childhood blindness.
Sa Pilipinas, aabot sa 569,072 ang bilaterally blind, at 62.1% sa mga ito ang dahil sa katarata, 10.3% dahil sa uncorrected refractive errors, 8% sa glaucoma, at 4% ang dulot ng retinopathies.
Ang kasalukuyang bilang ng mga Pinoy na may low vision ay nasa 1,962,317.
Sinabi naman ng WHO na ang avoiÂdaÂble blindness at visual impairment ay isang seryosong global health issue na layunin nilang tuluyang ma-eliÂminate hanggang sa taong 2020.
- Latest