^

Bansa

Low pay, overwork: PAGASA weathermen nag-aalisan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang umano’y mababang sahod at batak sa trabaho laluna kung may kalamidad ang dahilan kaya isa-isa nang nag-aalisan ang mga tauhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) para magtrabaho sa ibang bansa.

Inihayag ito ni Ramon Agustin, pangulo ng Philippine Weathermen Employees Association (PWEA) dahil na rin sa pagbibitiw ng isa pang forecaster na si Ricky Fabregas makaraan ang 16-taong serbisyo sa ahensiya para bigyan daan ang highly paid job sa Congo. May P100,000 umano ang sahod nito sa bagong trabaho na malayong malayo sa P20,000 buwanang sahod sa PAGASA.

Sinabi ni Agustin na may isa pang weatherman ang nagpaplanong umalis sa ahensiya para sa mas mataas na sahod abroad.

Ikinalungkot ni Agustin na bukod sa mababang sahod  at palagiang stress sa trabaho ay may ilan silang mga kasamahan na nakamatayan na ang paghihintay sa kanilang benepisyo.

Sinabi nito na sa tuwing may kalamidad ay napipilitan silang magtrabaho ng mas matagal at walang alisan sa opisina para lamang maserbisyuhan ang mamamayan at ito ay kanilang tinitiis dahil nagbabakasakali silang mabibigyan din ng kaukulang benepisyo ng gobyerno.

“Kaya po kami naghayag ngayon hindi na po nakakayanan ng aking mga kasamahan. If ever nakakapagtiis kami, nagtiis kami. Hindi lang namin alam kung hanggang saan ang pagtitiis namin,” sabi pa ni Agustin.

Sinasabing may mahigit 5 tauhan na ng PAGASA ang nagbitiw sa tungkulin sa ahensiya dulot ng mababang sahod at ngayo’y nasa labas ng bansa na tumatamasa ng halos limang beses ng sahod kumpara sa sahod sa PAGASA.

AGUSTIN

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

IKINALUNGKOT

INIHAYAG

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PHILIPPINE WEATHERMEN EMPLOYEES ASSOCIATION

RAMON AGUSTIN

RICKY FABREGAS

SAHOD

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with