^

Bansa

Cabin crew na walang CAAP license ‘di pwedeng bumiyahe

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na puwedeng sumama sa paglipad ng isang Philippine aircraft ang mga cabin crew kung hindi sila lisensiyado mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), dahil ipinatutupad na ngayon ng nasabing ahensiya ang pagkuha nito alinsunod sa alintuntunin at regulasyon ng Republic Act.9497 at Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR).

May 22 cabin crews ang kauna-unahang nabigyan ng ‘mandatory licence.’ 

Ang memorandum circular no.30-13 series of 2013 dated June 17, 2013 ay nilagdaan at i­naprobahan ni Lt. Gen.Willaim K. Hotchkiss lll AFP (Ret) CAAP Director General, na nag-uutos sa lahat ng Airline Operators na hilingin sa mga crew na kumuha ng cabin crew license sa CAAP alinsunod sa PCAR.

Ang kautusan ng CAAP ay para sa mga requirements upang mais­yuhan, renewal o re-issue para sa mga cabin crew member license.

Kailangan kumuha ang lahat ng crew members na nakatapos sa isinagawang annual recurrent courses mula January hanggang June 2013 para sa CAAP Flight Standards Inspectorate Service (FSIS).

Tatlong taon ang itatagal ng lisensiya bago ito mapaso.

AIRLINE OPERATORS

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DIRECTOR GENERAL

FLIGHT STANDARDS INSPECTORATE SERVICE

KAILANGAN

PHILIPPINE CIVIL AVIATION REGULATIONS

REPUBLIC ACT

TATLONG

WILLAIM K

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with