Sa nagparehistro, kalahati lang ang makakaboto
MANILA, Philippines - Kalahati lamang ng halos 1.2 milyon na nagparehistro noong nakaraang Hulyo 22 hanggang 31, 2013 ang makakaboto sa barangay election sa Oktubre 28.
Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, ito ang resulta ng isinasagawang review ng Election Regulatory Board (ERB) para sa mga nagpatalang botante.
Sinabi ni Brillantes na dahil sa kahina-hinalang pagdami ng mga nagpatala, lalo nilang hihigpitan ang beripikasyon sa pangalan, impormasyon at iba pang detalye sa bawat registered voter.
Mula sa mahigit 1 million, 700,000 lamang ang inaasahan ng poll body na makakaboto, habang ang mga mapapatunayang kasama sa hakot system ay ibabasura ang voters application.
- Latest