^

Bansa

Nalalason sa tingga tumataas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pag­kabahala ang mga miyembro at opisyales ng Philippine Pediatric Society Inc. (PPSI) sa pagtaas ng kaso ng mga taong nabibiktima ng nakalalasong tingga partikular sa mga bata.

Sa isang press confe­rence sa QC, sinabi ni Dr Edwin Rodriguez, Pediatrician-Hematologist ng UST Hospital na batay sa ulat ng World Health Organization, may 120 milyong katao na kabilang dito ang mga bata ang kontaminado ng lead content.

Partikular na naaapek­tuhan ng lason ng tingga ang Intelligence Quotient ng bata, pagbabago ng ugali ng tao, nagiging bobo, high blood, anemia, kidney at pagkalaglag ng ipinagbubuntis ng mga kababaihan.

Sa nakalipas na 15 taon, may 66 percent ang lead production sa buong mundo dahil sa patuloy na pagbebenta ng pinturang kontaminado ng tingga. Sa Asia Pacific region ay halos doble ang bilang nito sa pagitan ng taong 2001 at 2011 na kadalasang ginagamit sa paggawa ng bahay, paaralan at day care centers.

Dahil dito, hinikayat ng PPSI ang gobyerno na magkaroon ng regulasyon na magbabawal sa paggamit ng architectural at industrial paints na may halong tingga para mailayo sa panganib at mapanga­lagaan ang kalusugan ng mamamayan.

 

DAHIL

DR EDWIN RODRIGUEZ

INTELLIGENCE QUOTIENT

NAGPAHAYAG

PARTIKULAR

PEDIATRICIAN-HEMATOLOGIST

PHILIPPINE PEDIATRIC SOCIETY INC

SA ASIA PACIFIC

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with