‘3rd sex’ ok maging Santo - CBCP
MANILA, Philippines - Hindi hadlang ang “sexual orientation†upang maging banal o maging Santo at Santa ang sinuman.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life executive secretary Fr. Melvin Castro, posibleng mayroon ang Simbahan na isang Santo o Santa na may same-sex attraction subalit walang nagawang sexual intimacies sa kapwa.
Inihayag ng pari na maaring maging Santo at Santa ang isang baÂding at tomboy kung ito ay mayroong “chaste lifeâ€,walang ginagaÂwang sexual intimacies, gumagawa ng mabuti sa kapwa, sumunod sa kalooban ng Panginoon at handang ialay ang sarili para sa kabutihan ng iba at Panginoon.
Naninindigan naman si Fr.Castro na walang puwang sa Simbahang Katolika ang same sex union.
Iginiit ng pari na kailanman ay hindi bubuwagin ng Simbahan ang katuruan ng Diyos sa kasagraduhan ng kasal sa pagitan lamang ng babae at lalaki at hindi sa magkaparehong kasarian o sa pagitan ng lalaki sa lalaki at babae sa babae.
Inihayag ito ni Fr. Castro matapos madisÂmaya sa naging pahaÂyag ni Pope Francis ang ilang grupo na kabilang sa third sex na umaasang tatanggapin sila ng buong-buo ng Simbahan.
Binigyan diin ni Fr. Castro na malinaw ang sinasabi ni Pope Francis na wala siyang karapatan na husgahan ang isang bakla at tomboy lalo pa kung ito ay nagbago na at gustong magbalik loob sa Diyos.
Nilinaw ng pari na hindi maaaring tanggapin ng Simbahan ang kagustuhan ng mga kabilang sa third sex na same-sex union o same-sex marriage dahil malinaw na paglabag ito sa kasagraduhan ng kasal na itinuturo ng banal na kasulatan.
- Latest