^

Bansa

Isa pang warship ng Navy nasa Pinas na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang halos dalawang buwang paglala­yag galing Estados Unidos, pumasok na kahapon sa ‘area of responsibility’ ng Pilipinas ang BRP Ramon­ Alcaraz (PF-16), ang ikalawang Hamilton class cutter warship ng Philippine Navy.

Kinumpirma ni Lt. Commander Gregory Fabic, Navy spokesman, na dakong ala-1 ng madaling-araw nitong Huwebes ng pumasok sa Pilipinas ang naturang warship.

Ang nasabing Navy frigate ay umalis sa Charleston, South Carolina noong Hunyo 10 at naglayag na patungong Pilipinas.

Inaasahan naman ni Lt. Junior Grade Rommel Rodriguez, Public Information Officer ng Philippine Fleet na nasa Casiguran, Aurora sa pagitan ng alas-8-9 ng umaga ang nasabing warship at sa Sabado ng hapon ay nasa Bolinao.

Mula Bolinao ay tutungo na ito sa Subic Bay, Zambales kung saan itinakda ang welcome cere­mony sa naturang warship sa Agosto 6 sa pangu­nguna ni Pangulong Aquino.

COMMANDER GREGORY FABIC

ESTADOS UNIDOS

JUNIOR GRADE ROMMEL RODRIGUEZ

MULA BOLINAO

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE FLEET

PHILIPPINE NAVY

PILIPINAS

PUBLIC INFORMATION OFFICER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with