BDO Best Bank sa ikaapat na taon
MANILA, Philippines - Pinangalanan ng Hong Kong-based na pampinansiyal na publikasyon na Finance Asia ang BDO Unibank, Inc. (BDO) na Best Bank sa Pilipinas sa ikaapat na magkakasunod na taon. 
Sa katatapos lamang na Country Awards 2013, kinilala ng FinanceAsia ang kakayahan ng BDO na manguna sa industriya sa pamamagitan ng kanyang malakas na prangkisang pangnegosyo, mababang halaga ng pondo, at kalidad na ari-arian at malawak na distribution network. 
“Pinalawig din nito ang kanyang negosyo sa consumer lending at middle-market para sabayan ang kanyang lakas ng bangko sa corporate banking,†dagdag ng FinanceAsia. 
Bukod pa sa pagtanggap ng natatanging parangal, ang wholly owned subsidiary nito, ang BDO Capital and Investment Corp. (BDO Capital), ay pinarangalan din ng FinanceAsia bilang Best Investment Bank at Best Equity House. 
Sinabi ng internasyonal na publikasyon na ang nasaÂbing investment arm ng BDO ay naitatag ang sarili bilang market-leading investment bank sa Pilipinas. 

- Latest