^

Bansa

Pagbasa ng =sakdal sa Maguindanao, tuloy - SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang makakapigil sa pagbasa ng sakdal sa mga akusado sa Maguindanao Massacre na si Datu Akmad “Tato” Ampatuan Sr., pamang­kin ni Dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr.

Ito’y makaraang ibasura ng Supreme Court Third Division ang hiling na status quo ante order ni Akmad na nakapaloob sa inihain niyang petition for review on certiorari. 

Sa nasabing petisyon, hi­niling ni Akmad na masuspindi ang proceedings sa Quezon City Regional Trial Court Branch 221 kasama na ang nakatakda niyang arraignment sa August 7, 2013. 

Ang petisyon ay inihain ni Akmad noong Disyembre 22, 2012 para kwestiyunin ang desisyon ng Court of Appeals na pumabor sa naunang resolusyon ng kalihim ng Department of Justice na nagsasa­bing may probable cause para kasuhan ang petitioner ng multiple murder. 

Ang hiling na status quo ante order ay inihirit naman ni Akmad noong Hulyo 3, 2013 sa inihain niyang urgent manifestation. 

Ayon sa lupon ng mga investigating prosecutor, kabilang si Akmad sa mga nakipagsabwatan sa mga aktwal na may kinalaman sa pagpatay sa 58 biktima ng Maguindanao Massacre kabilang na ang 30 mamamahayag nuong November 23, 2009.

AKMAD

AMPATUAN SR.

COURT OF APPEALS

DATING MAGUINDANAO GOVERNOR ANDAL AMPATUAN SR.

DATU AKMAD

DEPARTMENT OF JUSTICE

MAGUINDANAO MASSACRE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SUPREME COURT THIRD DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with