MM governor hindi kailangan - Palasyo
MANILA, Philippines - Naniniwala ang Malacañang na hindi na kailangan pa na magkaroon ng governor ang Metro Manila tulad na rin ng imiÂnumungkahi ng ilang sector.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kuntento umano si Pangulong Aquino sa performance ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa pakikipag-ugnayan sa mga alkalde sa Kalakhang Maynila.
“We believe that Chairman (Francis) Tolentino has done a good job of coordinating with the mayors and making sure that all the mayors are in agreement with the solutions provided by MMDA and that MMDA Chairman Tolentino is also open to the recommendations of the city mayors,†ani Lacierda.
Unang nagkaroon ng governor ang MM sa katauhan ni dating unang ginang Imelda Marcos, na itinalaga ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos, sa pamamagitan ng Presidential Decree 824 na bumuo sa Metropolitan Manila Commission.
Matatandaang nagsilbi namang huling MM governor si Joey Lina noong 1986. Ang MMC ay naging Metropolitan Manila Authority (MMA), kung saan ang mamumuno ay pipiliin ng Metro Manila mayors. Binuwag naman ang MMA at pinalitan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
- Latest