^

Bansa

Bus ban sa Las Piñas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susunod na rin sa naging hakbang ng Maynila ang lungsod ng Las Piñas sa pagbabawal na makapasok ang mga pampasaherong bus upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Kahapon sa panayam sa radyo, kinumpirma ni Mayor Vergel “Nene” Aguilar na nasa kanilang plano na ito at maaaring magpalabas sila ng kahalintulad na ordinansa tulad ng sa Maynila. Maaari rin umanong magtayo sila ng “common bus terminal” sa mga hangganan ng lungsod upang doon na lamang magbaba at magsakay ng mga pasahero.

Partikular na tinukoy ni Aguilar ang matinding pagbubuhol ng trapiko na nararanasan ngayon sa Alabang-Zapote Road dahil sa dami ng pampasaherong bus na pumapasok sa lungsod. Bukod pa rito ang mga bus na walang prangkisa at out-of-line.

Sa pamamagitan ng pagre-regulate sa mga pampasaherong bus, malalabanan ng husto ang mga kolorum na bus na pangunahing mga kaskasero at dahilan ng aksidente sa lansangan.

Nakiisa rin si Aguilar sa panawagan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pagkonsulta muna sa mga lokal na pamahalaan bago mag-apruba ng mga bagong prangkisa ng bus dahil sa sobrang dami na ng bus na bumibiyahe sa Metro Manila.

AGUILAR

ALABANG-ZAPOTE ROAD

BUS

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAS PI

MAYNILA

MAYOR VERGEL

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with