Huwag nang manghingi ng pondo sa pulitiko - CBCP
MANILA, Philippines - Nanawagan si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Socrates Villegas sa mga Katoliko na huwag nang manghingi ng anumang pabor o pondo sa mga pulitiko kasabay na rin ng P10-bilyong pork barrel scam.
Sa kanyang pastoral letter, naniniwala si Archbishop Villegas na nagkakaroon ng papel ang Simbahan sa kurapsyon dahil sa panghihingi ng pondo o donasyon sa mga pulitiko mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga ito.
Dapat aniyang maging panuntunan ng mga church-based organizations at institutions ang “Walang HiÂhingi!†Tulad ng paghingi ng mga kandila, basketball uniforms hanggang sa semento sa kalsada.
“We tempt the public officials to get money from jueteng or the pork barrel in order to accommodate us,†batay pa sa pahayag.
Dapat aniyang maging malinaw ang fund-raising projects ng simbahan para walang bahid ng anumang katiwalian.
Ayon naman kay CBCP Commission on Public Affairs Chairman Bishop Deogracias Iñiguez, dapat nang magising ang lahat sa kalakarang ito. Dapat na aniyang pag-aralan mabuti ang batas tungkol sa pork barrel upang sa tunay na nangangailangan mapupunta ang pondo. Makakatulong aniya rito ang Commission on Audit (COA).
“Kung talagang hindi na maaari ‘yun, alisin natin ang batas tungkol sa pork barrel,†dagdag pa ni Iñiguez.
- Latest