LPA naging bagyo na
MANILA, Philippines - Ganap nang naging isang bagyo na pinaÂngalanang Jolina ang isang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa Batangas.
Alas-4 ng hapon kahapon, si Jolina ay namataan sa may kanluran ng Ambulong, Batangas taglay ang lakas ng hanging 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna. Ito ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometro bawat oras.
Dulot nito, ang mga lugar ng Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) kasama ang Western Visayas ay makakaranas ng malakas na pag-uulan na may pagkulog at pagkidlat na maaaring magdulot ng flashfloods at pagguho ng lupa sa naturang mga lugar.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng katamtamang pag-uulan.
Pinapayuhan ng PagÂasa ang mga mangingisda sa MIMAROPA at WesÂtern Visayas na huwag maglalayag sa karagatan kung gamit ay maliliit na bangka dahil sa malalaking alon dulot ng malakas na pag-ulan doon.
- Latest