^

Bansa

Mga mambabatas na sangkot sa PDAF controversy: ‘Sinungaling ay kapatid ng magnanakaw’ – CBCP prexy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ito ang mensahe na mistulang pasaring na rin ni incoming Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP)  President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa kanyang pastoral statement kaugnay ng kontrobersiya sa paggamit ng Priority Development Allotment Fund (PDAF) o pork barrel fund.

Ayon kay Villegas, bago pa man malantad nang husto ang pork barrel scam, ang paggamit ng nasabing pondo ay matagal nang may masamang reputasyon.

Tanong pa ng Arsobispo, ilang mga tradis­yunal na pulitiko ang umano’y gumastos nang husto at pumatay pa para lamang sa milyun-milyong pisong halaga ng pork barrel na kanilang makukuha sa oras na sila ay mahalal sa pwesto.

Kung pagbabata­yan umano ang teorya, maganda ang hangarin ng PDAF dahil layon nitong matulungan ang mga mahihirap nating kababayan, pero ang katotohanan aniya, ginagamit lamang ito ng mga pulitiko para maging “epal” at palabasin na sila ay may ginagawa.

Inilahad pa ni Villegas na sila, bilang mga alagad ng simbahan ay kinakailangang maging transparent sa kanilang mga fund raising project at mahalaga na nasusunod ang prinsipyo ng accountability.

Pero kapag nawala umano ang transparency sa accounting, nasasaktan ang katotohanan. Kaugnay nito, nanawagan din si Villegas sa mga grupo at institusyon na konektado sa Simbahan na pagdating sa pakikipag-ugnayan sa mga pulitiko, mainam na panindigan ang mga katagang “Walang Hihingi!

vuukle comment

ARSOBISPO

AYON

CATHOLIC BISHOP CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

INILAHAD

LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

PRIORITY DEVELOPMENT ALLOTMENT FUND

VILLEGAS

WALANG HIHINGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with