Commuters group tutol sa bus ordinance at integrated terminal
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagtutol ang grupong National Council for Commuters Safety and Protection (NCCSP) sa ipinatutupad na ordinansa na “partial bus ban†sa lungsod ng Maynila na nagpapahirap naman umano sa kalagayan ng mga pasahero.
Sa pulong balitaan sa Makati city kahapon, naniniwala si Elvira Medina, pangulo ng NCCSP, na labag sa mandato na ipinagkaloob ng batas sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board na magbigay ng prangkisa sa mga pampublikong sasakyan ang ipinasang resolusyon ng City Council ng lungsod ng Maynila.
Sinabi ni Medina na hindi lamang ang ipinatutupad na resolusyon ng Manila City Council ang kanilang tinututulan kundi maging ang ipatutupad na integrated bus terminal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nagsagawa rin ng pag-aaral ang NCCSP kung saan lumalabas na 9 sa 10 commuters o maÂnanakay ang tutol sa ipatutupad na integrated bus terminal dahil sa mas pahirap umano ito sa mga pasahero at dagdag na gastusin sa pamasahe dahil sa palipat-lipat na pagsakay.
Nakatakda ng ipatupad ng MMDA sa Agosto 5 ang interim integrated bus terminal sa Coastal Mall sa Parañaque City kung saan hanggang dito na lamang tutuloy ang mga provincial bus na magmumula sa Cavite at Batangas.
Iginiit ni Medina na kaawa-awa ang mga commuters lalo na ang mga estudyante na pinagkakasya lamang ang mga allowances, ordinaryong manggagawa at maging ng mga maliliit na negosyante sa oras na maisakatuparan na ang operasyon ng mga bus terminal. (Danilo Garcia/Angie dela Cruz)
- Latest