Kaso vs CIDG tuloy
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Justice na itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso laban sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group matapos na isiwalat ng dalawang testigo ng DOJ na ibinulsa umano ang shabu at pera ng mga pulis nang arestuhin ang mag-asawang Li Lan Dy alyas Jackson Dy at Wang Li Na sa San Juan.
Ayon kay de Lima, nilabag ng sinibak na si Police Sr. Supt. Jose Mario Espino at mga kasamahan nito ang probisyon sa confidentiality provision ng Witness Protection Program (WPP).
“Violation ‘yan ng WPP Law. Meron po tayong tinatawag na confidentiality provision lalo na ang request nito ‘Ma’am wag niyo munang i-expose ‘yung identity namin...’ Tulad nito na may specific request na wag muna silang pangalanan tapos ay susunugin mo, violation po ‘yan kaya nga po pinapa-prepare ko na ‘yung possible charges against kina Supt. Espino sa ginawa nila,†ani de Lima.
Dagdag pa ni de Lima, hindi maaaring iabswelto ang CIDG sa katwiran nitong hindi ang PNP ang nagpo-proseso ng aplikasyon sa WPP ng dalawang testigo.
Muli namang inulit ni de Lima ang hamon sa CIDG na pangalanan ang sinasabing tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagbibigay proteksiyon sa Chinese drug lord na si Dy. Handa anya siyang imbestigahan ito kung may mailalabas na ebidensya ang mga pulis.
Bukod sa kaso ng mga drug lord, iniimbestigahan din ng NBI ang pagkamatay ng Ozamis robbery group leaders na sina Ricky Cadavero at Wilfredo Panogalinga Jr., gayundin ang pork barrel scam kung saan kabilang umano ang ilang tauhan sa nangikil.
- Latest