Rules of engagement ng PNP pinare-repaso
MANILA, Philippines - Matapos umamin ang Philippine National Police na rubout ang nangyaring pagpatay sa dalawang lider ng Ozamis robbery holdap gang, iginiit kahapon ni Senator Gregorio Honasan na panahon na para repasuhin ang Rules of Engagement ng pulisya.
Naniniwala si Senator Gregorio Honasan na marapat lamang na mapataas ang antas ng operational procedure ng pulisya para hindi na mangyari ang rubout.
“Kailangang maÂpataas ang antas ng operation procedures na sinusunod sa PNP at matiyak na nasusunod ito ng mga operatiba,†ani Honasan.
Mahalaga aniyang mailayo sa paghusga ng publiko ang buong pulisya at ma-trial by publicity.
“Ito para mailayo sila sa maagang paghuhusga sa pamamagitan ng trial by publicity,†pahayag ni Honasan.
Nais din ni Honasan na paimbestigahan sa Senado ang mga insidente kung saan nagkaroon ng paglabag sa karapatang pantao ang pulisya.
Bukod sa sinasaÂbing pagpatay sa Ozamis gang leader na sina Ricky Cadavero at Wilfredo Panogalinga Jr., sinasabing rubout din ang nangyari sa Atimonan Quezon noong Enero kung saan 13 katao ang namatay.
“Mahalaga una sa lahat ang proteksiyon sa buhay, ari-arian at karangalan ng bawat mamamayan kabilang na ang responsableng police officer,†pahayag ni Honasan.
- Latest