5 BuCor officials sinibak
MANILA, Philippines - Sibak sa serbisyo ang limang mga opisyal at kawani ng Bureau of Corrections kaugnay ng paglalabas-masok nuong 2011 ni dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste sa New Bilibid Prisons.
Kabilang sa mga sinibak sina dating NBP Prison Superintendents Armando Miranda at Ramon Reyes; daÂting officer in-charge ng Minimum Security Compound ng NBP na sina Prison Supts. Dante Cruz at Robert Rabo, at Prison Guard Fortunato Justo, custodian ni Leviste nuong madiskubre ang kanyang paglalabas-masok.
Nuong Mayo 18, 2011, si Leviste na dapat sana ay nasa loob ng NBP Compound ay naaresto ng mga opeÂratiba ng NBI sa LPL Towers sa Makati.
Ang nasabi ring insidente ang nagtulak nuon kay daÂting BuCor acting director Ernesto Diokno para magbitiw sa pwesto. Si Leviste ay pinatawan ng 6-12 taong pagkakabilanggo noong 2009 sa kasong homicide dahil sa pagpatay kay Rafael de las Alas noong 2007.
- Latest