DepEd naglinaw sa belo ‘Niqab’ hindi ‘Hijab’
MANILA, Philippines - Hindi ang ‘hijab’ o head covering, kundi ang ‘niqab†o belong nakatakip sa mukha lamang ang hinihiling ng DepEd na alisin ng mga gurong nagtuturo ng Arabic Language and Islamic Values Education (ALIVE) kapag nagtuturo na ang mga ito sa silid-aralan.
Ang paglilinaw ay ginawa ni DepEd Secretary Armin Luistro na nagsabing nababahala siya na mabigyan ng ibang kahulugan ang ilang artikulong naglabasan at ang maging impresyon ng mga mambabasa ay inatasan ng DepEd ang mga babaeng gurong Muslim na alisin ang kanilang hijab kapag nagtuturo.
Tinukoy ni Luistro ang mga naglabasan sa mga pahayagan kahapon na may titulong “DepEd orders Muslim teachers to unveil in class,†“Muslim teachers instructed not to wear veils during classes,†“Muslim teachers asked to remove veils in classrooms,†at iba pa.
Ani Luistro, layunin ng naturang Department Order na maisulong ang mas mahusay na ‘teacher-pupil relationship’ at suportahan ang epektibong language teaching dahil kung nakikita ng mga mag-aaral ang buka ng labi ng kanilang guro ay higit nilang mauunawaan ang sinasabi ng mga ito at makatutulong rin sa tamang produksiyon ng letter sounds.
- Latest