^

Bansa

Dayaan sa Napolcom exam nadiskubre

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinawalang-bisa ng National Police Commission (Napolcom) ang resulta ng eksaminasyon na kinuha ng 225 examinees sa Mindanao makaraang madiskubre ang malawa­kang dayaan noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Napolcom Vice-Chairman Eduardo Escueta, sa isinagawa nilang regular na “pattern analysis” nadiskubre ang pandaraya sa PNP Entrance at Promotional Examinations noong Abril 29 at Oktubre 14, 2012. 

Sa examination sheets sa 205 examinees, nakita na may mataas na bahagdan ng magkakatulad na pattern ng maling sagot na nasa pagitan ng 50%-100%. Ang 20 namang Police Officer 1 na kumuha ng Promotion Exam ay may mataas ring bahagdan ng pattern ng maling sagot.

Sinabi ni Escueta na ang mataas na antas ng maling sagot ay malinaw na ebidensya na nagkaroon ng iregularidad o pandaraya na labag sa RA 9416 o ang “Anti-Cheating Law of 2007”.

Dahil dito, nagbaba ng direktiba si Escueta sa 205 civilian examinees na hindi makakakuha ng PNP Entrance Examination sa loob ng tatlong taon.

Gayundin ang 20 pulis na PO1 na hindi makakakuha ng Promotion Exam sa loob ng tatlong taon.

vuukle comment

ABRIL

ANTI-CHEATING LAW

ENTRANCE EXAMINATION

ESCUETA

NAPOLCOM VICE-CHAIRMAN EDUARDO ESCUETA

NATIONAL POLICE COMMISSION

POLICE OFFICER

PROMOTION EXAM

PROMOTIONAL EXAMINATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with