Kontribusyon dapat itaas: SSS fund mauubos - Noy
MANILA, Philippines - Mauubos ang Social Security System (SSS) fund, kaya ang kontribusÂyon ng mga miyembro ay dapat itaas.
Sa iniulat kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ang P1.1 trilyon na “unfunded liability†ng SSS ay inaasahang tataas pa sa 8 porsiyento kada-taon.
Ayon sa Pangulo simula noong 1980, ang pension ng SSS ay 21 beses na tumaas pero ang rate ng kontribusyon ay dalawang beses lamang tumaas.
Sinabi ng Pangulo na kung hindi itataas ang kontribusyon ng mga miÂyembro ay tuluyang matutuyo ang pondo ng SSS sa loob ng 28 taon.
Pero kung magkakaron umano ng 0.6% na pagtaas sa kontribusyon bababa ng P141 bilyon ang utang.
“Naniniwala po tayong panahon na para amiyendahan ang SSS Pension Scheme. Kailangan nating tambalan ng inisyatibang mag-impok nang sapat ang pagluluwal natin ng pera. Kung magdadagdag lamang tayo ng 0.6 percent sa contribution rate, 141 billion pesos na agad ang maibabawas sa unfunded liability ng SSS,†sabi ng Pangulo.
Taas pasahe sa LRT, MRT, ipapatupad
Ipinahiwatig din ng Pangulo na kailangan ng itaas ang pamasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) dahil sa kabuuang P40 na pasahe sa LRT P25 dito ay pasan ng gobyerno.
Sinabi ng Pangulo, makatuwiran lamang na ipatupad na ang pagtataas ng pamasahe sa LRT at MRT na hindi nalalayo sa ibinabayad sa mga aircon na bus upang mawala na ang subsidiya ng gobyerno.
CCT palalawakin pa
Samantala nangako ang Pangulo na isusulong pa ang pag-unlad ng bansa sa ikalawang bahagi ng anim na taon ng kanyang panunungkulan kung saan palalawakin pa ang Conditional Cash Transfer (CCT), mabuting gobyerno, at pagbibigay ng iba pang mga insentibo sa mga mahihirap.
Nangako rin ang PaÂngulo na magpapatayo ng mas maraming eskuwelahan at palalawakin ang saklaw ng CCT para mabenipisyuhan ang mga estudyante sa sekondarya.
Ayon kay Aquino, na- benepisyuhan ng CCT program ang mga mahihirap na pamilya mula 700,000 noong 2010 sa 4 na milyon ngayong 2013.
Pinuri rin ng Pangulo ang pagbaba ng presyo ng textbooks mula P58 bawat isa naging P30 na lamang matapos maupo sa puwesto si Department of Education Secretary Armin Luistro.
Ipinagmalaki rin ng Pangulo na napalakas ng kanyang gobyerno ang sektor ng agrikultura dahil base umano sa National Food Authority noong 2010 nag-angkat ang bansa ng mahigit 2 milyong metriko tonelada ng bigas pero bumaba ito noong 2011 sa 855,000 metric tons at noong 2012: 500,000 metric tons na lang.
Hacienda Luisita
Ipinagmalaki rin ng Pangulo na maipamamahagi na ang mga lupa ng Hacienda Luisita na palaging ikinakabit sa kanyang pangalan.
Noong nakalipas na linggo umano ay natukoy na ang bawat loteng makukuha ng mga benepisyaryo, at magsisiÂmula nang ipagkaloob ang mga titulo sa Setyembre.
Kaugnay nito nagbabala ang Pangulo sa mga nagma-may-ari ng malalaking lupa sa bansa na inatasan na niya ang kinauukulang ahensiya ng gobyerno kung paanong mapapabilis ang pagproseso sa pagbabahagi ng lupain.
PhilHealth
Ipinagmalaki rin ng Pangulo na umabot na sa 81 porsiyento ng mga mamamayan ay miyembro ng PhilHealth.
Ang mga natitira umano na wala pa sa talaan ay hinahanap na kung saan kabilang ang mga informal sector at mga katutubo.
“Inaasahan po natin ang pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan upang maisali na natin sa sistema ang lahat ng ating mamamayan,†anang Pangulo.
Umabot ng isang oras at 40-minuto ang naging talumpati ng Pangulo sa kanyang SONA. (May dagdag na ulat si Gemma Garcia)
- Latest