^

Bansa

Albay at Greenpeace nagkasundo sa Ocean drive

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkasundo ang Albay at ang Global environment protection advocate na Greenpeace na magkatulong nilang itataguyod at isusulong ang Oceans Campaign ng huli na naglalayong mapangalagaan ang karagatan laban sa tuluyang pagkasira nito.

Nauna rito, hiniling ni Vince Cinches, Oceans Campaigner for Southeast Asia Philippines ang tulong ni Albay Gov. Joey Salceda na suportahan ang Greenpeace Oceans Campaign sa Bicol kung saan nananatiling talamak ang iligal na pangingisda.

Tinanggap ni Salceda ang kahilingan dahil, ayon sa kanya, ang mga programa ng Albay at Greenpeace ay magkakatugma at malaki ang positibong epekto nito kung magkatulong silang isusulong ang mga iyon.

Layunin ng “Oceans campaign” na ilantad ang patuloy ng pagkasira ng “marine ecosystems” at ang unti-unting paglaho ng mga isda sa mga dagat para maihanap ng lunas ang mga suliraning ito.

 

ALBAY

ALBAY GOV

BICOL

GREENPEACE

GREENPEACE OCEANS CAMPAIGN

JOEY SALCEDA

OCEANS CAMPAIGN

OCEANS CAMPAIGNER

SOUTHEAST ASIA PHILIPPINES

VINCE CINCHES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with