16,661 wanted timbog
MANILA, Philippines - Aabot sa 16,661 wanted na mga kriminal ang nasakote ng PhilipÂpine National Police (PNP) sa loob ng anim na buwan sa taong 2013.
Ito ang ipinagmalaki kahapon ni PNP Chief Director General Alan Purisima sa midyear report ng PNP sa bayan.
Sa nasabing period ay 10 kriminal ang napaslang habang 131 ang sumuko. Ang mga nasakote ay kinabibilangan ng mga kilabot na pugante ng batas na may patong sa ulo.
Simula Enero hanggang Hunyo 2013, umaabot sa 75 orgaÂnisadong grupong kriminal na sangkot sa robbery, carnapping, gun for hire, drug trafficking, gun running at street crime ang nalansag.
Umaabot naman sa 471 miyembro ng mga sindikato ang nasakote at nasamsam ang 111 mga armas.
Kabilang sa mga nalansag ang Batangas Romblon Leyte gang na pinaniniwalaang sangkot sa serye ng bank robbery sa Metro Manila at mga kanugnog na lalawigan.
Tumaas din ng 52% ang nasamsam na loose firearms na 5,766 mga armas at 3,539 katao ang nadakip mula Enero-Hunyo 2013.
Nasakote naman ang 7,803 drug suspect sa isinagawang 2,434 buy bust operations; 2,024 raid at 76 marijuana eradication operation.
Umaabot sa 3,957 carnaper ang nasakote sa unang semestre ng 2013.
Sa illegal gambling ay 6,366 ang nasakote sa 15,675 serye ng operasyon.
- Latest