DOLE sa undocumented OFWs: Papeles ayusin na!
MANILA, Philippines - Hindi na dapat pang hintayin ng mga undocumented OFWs na mapaso ang November 3 deadline sa pinalawig na panahon ng Saudi Government para gawing ligal ng mga Pilipino ang kanilang pananatili roon.
Ito ang apela ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa mga undocumented OFWs sa Saudi Arabia na ayusin na ang kanilang mga papeles o dokumento hangga’t maaga.
Ayon kay Baldoz, madali at mabilis lamang ang pagproseso sa mga papeles ng mga Pinoy illegal migrant at workers sa Saudi para mapalitan ang kanilang “ statusâ€.
Umapela rin ang kalihim sa mga kababayan natin sa Saudi na huwag ng magpatumpik-tumpik pa para itama ang kanilang pananatili roon dahil mas mahigpit na parusa na ang ipaÂtutupad ng gobyerno ng mga arabo sakaling muli silang mahuling hindi dokumentado.
- Latest