^

Bansa

Heneral, 14 pa sibak sa ‘Ozamis’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinibak kahapon ni Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas II si CALABARZON Police Regional Director P/Chief Supt. Benito Estipona at 14 pang pulis kaugnay ng pagkamatay ng dalawang notoryus na lider ng Ozamis robbery gang habang nasa kustodiya ng pulisya sa Laguna noong Lunes ng gabi.

Sa ipinatawag na press conference ni Roxas sa Camp Crame kahapon, ina­nunsyo nito ang pagsibak niya kay Estipona.

“Chief Supt. Estipona will be recalled on National Headquarters (PNP) pending this investigation,” ani Roxas.

Sinibak rin ang 14 pang mga pulis na sina Supt. Danilo Mendoza, lider ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng Calabarzon Police, Sr. Inspector Manuel Magat, Sr. Inspector Fernando Cardona, Insp. Efren Oco, SPO1 Joseph Ortega, SPO1 Jayson Semacas, PO3 Sherwin Bulan, PO3 Ramil Gonzales, PO3 Marvin Mejia, PO3 Eduardo Cruz na pawang ng RSOG; PO2 Conrado Bautista, PO2 Exiel Reyes, PO2 Kristofferson Reyes at PO1 Ryan Rey Gado na mula naman sa Regional Public Safety Battalion.

Pansamantala namang hahalili sa puwesto ni Estipona si Sr. Supt. Jesus Gatchalian, Director for Plans ng Calabarzon Police.

Ayon kay Roxas, ang RSOG na pinamumunuan ni Supt. Mendoza ay direktang nagre-report kay Estipona kaya dapat alam ng heneral ang nangyayari at may pananagutan ito sa kaniyang hurisdiksyon.

Idinagdag pa ng Kalihim na lumikha ng mala­king isyu ang pagkasawi ng dalawang lider ng Ozamis gang na sina Ricky Cadavero alyas Kambal at Wilfredo Panogalinga alyas Kulot habang ibi­nibiyahe sa San Pedro, Laguna matapos ang mga itong isailalim sa ‘inquest proceedings’ sa Cavite.

Sinabi naman ni PNP Chief Director General Alan Purisima, mara­ming dapat ipaliwanag si Supt. Mendoza sa nangyaring pagkakapatay sa dalawang lider ng Ozamis robbery gang tulad na lamang ng kung bakit dinala pa ito sa Laguna gayong ang utos ay iturnover na sa kustodya ng Bureau of Corrections matapos ang mga itong iprisinta noong Lunes ng tanghali sa Camp Crame.

Aalamin rin ng PNP kung gaano katotoo na may mga pulis umanong protektor ang grupo nina Cadavero kaya matinik ang mga ito.

Idinagdag pa ni Purisima na malaking kawalan sa PNP ang pagkamatay ng dalawa dahilan hindi na maibibigay pa ng mga ito ang impormasyong kaila­ngan ng PNP sa kanilang operasyon upang mahuli ang iba pang miyembro ng sindikato.

Batay sa naunang ulat, nabaril umano ng police escort sina Cadavero at Panogalinga ng tangkain nilang agawin ang baril ng kanilang escort habang nagkakagulo matapos tambangan ang kanilang ‘convoy’ ng mga armadong kalalakihan na nakasakay sa motorsiklo.

Patungo umano ang ‘convoy’ ng pulisya kasama ang dalawang suspect sa himpilan ng pulisya sa Calamba City matapos ang ‘inquest proceeding’ sa Dasmariñas City, Cavite ng harangin sila at paputukan ng mga armadong suspek sa Maharlika highway sa Bgy. San Antonio, San Pedro dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi.

Tinangka umanong agawin ng dalawang suspect ang baril ng kanilang escort kaya napilitan silang paputukan ang mga ito. Kaagad na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawa, ngunit idineklara silang dead on arrival.

Sina Cadavero at Pano­galinga ay kapwa ‘pumuga’ at muling nahuli nitong Linggo sa pinagtataguang hideout sa Cavite.

Ang mga ito ang nasa likod sa serye ng robbery/holdup sa mga money changer, bangko at iba pang establisimyento sa Metro Manila.

BENITO ESTIPONA

CAMP CRAME

CAVITE

CHIEF SUPT

ESTIPONA

OZAMIS

ROXAS

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with