^

Bansa

Malapitan nireorganisa ang Caloocan Disaster Council

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nireorganisa ni Calo­ocan City Mayor Oca Mala­pitan ang City Disaster Risk Reduction and Management Council upang mabilisang makatugon sa iba’t ibang uri ng kalamidad at maka-angkop sa mga hamon dulot ng climate change.

Matapos pangunahan nitong Martes ang kauna-unahang command conference sa Kamaynilaan na dinaluhan ng mga opisyal ng lokal at nasyunal na ahensya ng gobyerno, sinabi ni Mayor Oca na napapanahon nang muling buuin ang CDRRMC upang magkaroon ang lungsod ng maayos na sistema sa oras ng emergency at mga sakuna. 

“Sa kaganapang ito, mas mapapadali nating maaprubahan ang mga plano at programa tungkol sa DRRM. Gayundin ang mabisang pagmomonitor sa implementasyon ng ­ating Disaster Risk Reduction and Management Plan sa layuning makasagip ng buhay at ari-arian,” wika niya.

Sa ilalim ng Executive Order No. 002, pamumunuan ni Malapitan ang grupo bilang chairman, kasama si City Administrator Oli­ver Hernandez bilang vice chairman.

Miyembro naman dito ang Philippine National Police, Bureau of Fire and Protection, Philippine National Red Cross-Caloocan-Malabon-Navotas Chapter, Department of Education at Metro Manila Development Authority.

BUREAU OF FIRE AND PROTECTION

CITY ADMINISTRATOR OLI

CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

CITY MAYOR OCA MALA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT PLAN

EXECUTIVE ORDER NO

MAYOR OCA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with