^

Bansa

Presyo ng tinapay magmamahal ng piso

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakaambang magmahal ng piso ang presyo ng tinapay dahil sa planong pagtataas ng buwis sa ina­angkat na imported flour.

Sa ginanap na balitaan sa Tinapayan sa Dapitan, pinaliwanag ng flour importer na si Ernesto Chua, na sa halip na taasan dapat ay ibaba pa ang ipinapataw na tariff duty.

“Dapat bawasan ang 7%  na taripa pero kung mapilit sila at gusto rin nilang kumita ay puwede na ang three percent “, paliwanag ni Chua na chairman din ng Philippine –Turkish Business Council.

Hindi rin naniniwala si Chua na kikita ang gobyerno sa naturang dagdag na taripa, kundi ang magkakamal lang aniya ng salapi sa pagtaas ng custom’s duty ay ang ilang negosyante lamang ng harina.

Gusto lamang umanong masolo ng ilang negos­yante ng harina ang merkado sa Pilipinas kaya pinupuntirya ang harina na galing sa Turkey.

Sa sandali aniyang tumaas ang taripa, tiniyak na tataas ang presyo ng mga tinapay.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Walter Co,  ang president ng Philippine Baking Industry, na dapat pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang magiging epekto sa ekonomiya  ng gagawing pagtataas ng taripa sa harina.

Kaugnay nito ay umaapela sa gobyerno  si Benito Lim, pangulo ng Filipino Chinese Bakery Association,Inc., na bigyang-pansin ang lahat ng aspeto dahil maraming nangyayari ay kabaligtaran dahil ipinapakita lamang umano nila ang pagkakamali ng Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL).

Nais ng PAFMIL na itaas sa 20% ang tinatawag na safeguard tariff duty sa harina na iniimporta mula sa Turkey.

BENITO LIM

CHUA

ERNESTO CHUA

FILIPINO CHINESE BAKERY ASSOCIATION

PHILIPPINE ASSOCIATION OF FLOUR MILLERS

PHILIPPINE BAKING INDUSTRY

TURKISH BUSINESS COUNCIL

WALTER CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with