Pinay ginulpi ng Kuwaiti police
MANILA, Philippines - Isang Pinay ang kiÂnÂaÂladkad na pababa sa hagdan ng isang Kuwaiti police saka iniwang duguan sa mismong loob ng Kuwait municipality.
Sa report ng KonsuÂlado ng Pilipinas, isusulong nila ang kaso ng Pinay fitness instructor na hindi pinangalanan upang makakuha ng hustisya laban sa sadista at abusadong Kuwaiti police.
Nabatid na magpapa-renew lamang ng health card ang Pinay kasama ang iba pang kasamahang OFW at isang nakilala lamang sa pangalang Mandoub na liaison officer ng kanilang kumpanyang pinapasukan upang mag-asiste sa kanilang papeles.
Sa unang lumabas na report, noong Hulyo 7 ay nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng Pinay at naturang liaison officer nang ibato ng huli sa sahig ang identification card (ID) ng Pinay habang sila ay nasa isang tanggapan ng munisipyo.
Dahil dito, sinita ng Pinay ang nasabing liaison officer na naging dahilan upang lalong mag-init ang ulo ng huli at magsisigaw at magsumbong sa kanilang employer at umalis.
Matapos ang dalawang oras, bumalik si Mandoub at may kasama nang isang Kuwaiti police at agad na kinompronta ng pulis ang Pinay.
Nagalit umano ang pulis habang nagpapaliwanag ang Pinay at sinabihang wala siyang galang at inutusan na pumunta sa isang opisina upang dito na lamang antayin ang kanyang health card. Nagulat na lamang ang Pinay nang biglang hablutin ng pulis ang kanyang bag at puwersahang kinaladkad na parang baboy sa hagdan.
Lupaypay ang Pinay habang duguan na iniwan ng pulis at nanigarilyo lamang umano matapos ang ginawang kalupitan.
Agad na isinugod ang Pinay ng kanyang mga natulalang kasamahan sa biglaang pangyayari kung saan naoperahan sa ospital ang una dahil sa pagkabali ng kanyang dalawang kamay at tuhod habang nagtamo rin ng mga sugat sa mukha.
- Latest