Publiko pinag-iingat vs washable hair chalks
MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko kaugnay sa masamang dulot sa kalusugan at pagkakaroon ng allergies na makukuha mula sa paggamit ng washable hair chalks na ginagamit pangkulay sa buhok.
Batay sa FDA Advisory 2013-018, nangangamba si FDA acting Director Kenneth Hartigan-Go sa nauusong hair chalks dahil wala pang katiyakan na ligtas gamitin.
Ang mga hair chalks ay ipinagbibili sa internet at may taglay na dyes o colorants, chemical at mga preservatives.
Paalala ng FDA, ang mga nasabing sangkap ay maaaring maging sanhi ng allergies at adverse reaction sa anit, ulo, mata at balat ng sinumang gagamit.
Ayon sa FDA, ang hair chalking ay kinabibilangan nang pagkuskos ng piraso ng colored pastel chalk sa ilang hibla ng buhok upang baguhin ang kulay.
Pinayuhan ng FDA ang publiko na gamitin lamang ang mga cosmetic products na aprubado ng FDA upang matiyak ang kaligtasan at kalidad ng mga ito.
- Latest