^

Bansa

4-day work, hindi makabubuti- Obispo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala ang da­ting pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at Jaro Archbishop Angel Lagdameo, na hindi  ma­kabubuti  ang panukalang apat-na-araw  na trabaho sa loob ng isang linggo o 4-day work a week, sa hanay ng mga kawani ng gobyerno at maging sa pribadong sector.

Ayon kay Lagdameo, posible umanong  mas makasama pa ang nasabing  panukala lalo pa at  maraming pamilya ang nangangailangang magtrabaho araw-araw upang mabuhay ang kanilang pamilya.

Sa panig naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes, na ang implementasyon ng naturang polisiya ay masama sa ekonomiya, hindi  rin malulutas ang problema sa trapiko at sa halip ay mababawasan pa ang productivity ng bansa.

Matatandaang sinabi ni election lawyer   Romulo Macalintal ang pagkakaroon ng four-day work week upang mabawasan umano ang traffic congestion sa Metro Manila.

Hindi naman komporme kay Macalintal ang Malacañang dahil maaari pa umanong maapektuhan ang employment at economic growth ng bansa.

Habang sa kongreso, ay inihain na rin ang House Bill No. 1278 na tatawaging “Four-Day Work Week Act of 2013” ni Quezon City Rep. Wins­ton Castelo.

Sa ilalim ng panukala, gagawin na lamang 10 oras  ang trabaho kada araw,  apat na araw  sa loob ng isang linggo o 10/4 sa gobyerno at pribadong sektor.

 

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

FOUR-DAY WORK WEEK ACT

HOUSE BILL NO

JARO ARCHBISHOP ANGEL LAGDAMEO

METRO MANILA

QUEZON CITY REP

ROMULO MACALINTAL

SORSOGON BISHOP ARTURO BASTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with