^

Bansa

7 pang dayalekto gagamitin ng DepEd

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito pang lokal na dayalekto ang idinagdag ng Department of Education (DepEd) sa “mother-tounge-based mutli-lingual education (MTB-MLE) program at gagamitin sa pagtuturo sa mga batang mag-aaral sa mga rehiyon.

Nadagdag ang mga bagong dayalekto sa 12 orihinal na lengguwahe.  Ang mga ito ay ang Ybanag para sa mga pupil sa Tuguegarao City, Cagayan, at Isabela; Ivatan sa Batanes Group; Sambal sa Zambales; Aklanon sa Aklan at Capiz; Kinaray-a sa Capiz at Aklan; Yakan sa ARMM at Surigaonon sa Surigao City at mga lalawigan ng Surigao.

Ipinapatupad ang MTB-MLE o ang paggamit ng mga nakamulatang mga lengguwage sa pagtuturo sa mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3 upang mas agad na maintindihan ng mga pupils ang mga aralin.

Sa mga pag-aaral, ang paggamit umano ng “mother tounge” na lengguwahe sa unang mga taon ng pag-aaral ay higit na nakakalikha ng mga matatalinong mag-aaral na madaling matuto rin ng ibang wika tulad ng Filipino at English. 

Ang iba pa at naunang mga dayalekto sa ilalim ng MTB-MLE ay ang Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chabacano. (Danilo Garcia/Mer Layson)

 

AKLAN

AKLANON

BATANES GROUP

CAPIZ

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

MER LAYSON

SURIGAO CITY

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with