10 oras, 4 araw pasok sa opisina
MANILA, Philippines - Muling binuhay sa Kamara ang panukalang 10 oras na trabaho at apat na araw na pasok lamang sa loob ng isang linggo.
Sa House Bill No. 1278 o “Four-Day Work Week Act of 2013,†gagawing Lunes hanggang Huwebes lamang ang pasok sa isang linggo at dadagdagan ng dalawang oras ang pasok ng mga manggagawa kada araw.
Paliwanag ni QC Rep. Winston Castelo, muli niyang inihain ang 10/4 pasok ng mga manggagawa bilang alternatibong paraan sa plano ng Metro Manila Development Authority na “two day road ban†sa Metro Manila.
Pasado na noong 15th Congress ang panukala at muli lamang niyang binuhay upang makatulong sa mga manggagawa na makaagapay sa tumataas na gastusin o cost of living at lumalalang trapiko sa Metro Manila.
Ang 10/4 work schedule ay makakabawas din umano sa pagbiyahe ng mga manggagawa kaya luluwag din ang daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Sinabi pa ni Castelo na makakatipid ng nasa 20% sa work expenses sa 10/4 work week.
Tinataya na halos P20 bilyon kada linggo ang matitipid ng 20 milyong private sector workers at 1.5M state employees.
Napatunayan na umano na epektibo ang 10/4 work week formula dahil ipinatutupad na ito sa Kamara may ilang taon na ang nakakaraan.
Ang mga empleyado ng Kongreso ay pumapasok ng alas-8 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi na katumbas ng 10 oras kada araw, Lunes hanggang Huwebes.
- Latest